Hello po! Ako po si Chad. Ito po ang kwento kung paano ako nagsimulang maghalaman. Tubong Cavite po ako. Ang pamilya ng tatay ko ay mga magsasaka noong may lupa pa kami. Palay ang tinatanim nila doon, pero natatandaan ko na mayroon ding mga gulay. Ngayong matanda na ako, naisip ko na sayang, di ako natuto kung paano magtanim ng palay noon. Hindi rin kasi sa pagsasaka nagsimula ang hilig ko sa paghahalaman eh. Kay Nanay Auring ko natutunan talaga maghalaman. Ate siya ng tatay ko. Marami siyang halaman sa bakuran namin. Naaalala ko noon, mayroon kaming mga kalamansi, San Francisco, rosas, at mga orchids. Madami pa, actually, pero ang pinaka hindi ko malilimutan ay yung baging ng paminta namin at yung puno ng bulak. Bandang 1980s pa po itong panahon na ito. Bilang bata, siempre, nagsimula akong magkainteres sa mga halaman dahil sa mga bulaklak. Isang araw, habang tinutulungan ko si Nanay Auring magdilig, naisip ko na gusto ko din magtanim ng sarili kong halaman. Nagpaalam...