Skip to main content

Umpisa ng Paghahalaman ni Chad

Care Guides

 

Cacti

Dito po sa Care Guides ko ilalagay yung mga notes kung paano alagaan ang mga halaman. Bawat halaman po, lalagyan ko ng mga sumusunod:
  • scientific name at common name
  • pinanggalingang lugar
  • pagtubo o growth habit
  • pag-aalaga
  • pagpaparami o propagation
  • babala
Sana po ay may mapulot kayong kapaki-pakinabang na kaalaman sa mga care guides ko. Salamat po!

Table of Contents

K

P


Popular Posts

Kalanchoe Delagoensis

Happy Monday po sa inyong lahat! Para sa araw na ito, ang featured plant naman natin ay Kalanchoe delgoensis . Bilib ako sa halamang ito dahil isa siya sa mga pinakamatibay na halamang alam ko. Tulad po ng dati, magbabahagi na naman ako ng kaalaman tungkol sa halamang ito. Scientific Name at Common Name Ang scientific name ng halamang ito ay  Kalanchoe delagoensis.  Kakaiba ang pinanggalingan ng pangalan nito dahil hindi Latin o Greek ang pinaghanuan ng kalanchoe. Nanggaling ito sa Cantonese na gaa laam coi, at ang ibig sabihin daw ay temple plant . Yung delagoensis , hindi ko sure kung saan galing kasi wala akong mahanap na source. Hehe! Kadalasan, tinatawag ang halamang ito na mother of millions dahil nag-aanak ito ng napakaraming maliliit na halaman. Tinatawag din itong chandelier plant.  Pinanggalingan Base sa research ko, galing daw ito sa Madagascar.   Pagtubo Tumutubo ito nang patayo mula sa isang main na tangkay. Hindi siya normally nagsasang...

Mga Uri ng Liwanag

Lahat ng halaman, nangangailangan ng liwanag. Kailangan kasi nila ng liwanag para sa photosynthesis, ang proseso kung paano sila gumagawa ng kanilang pagkain. Hindi nga lang pare-pareho ang pangangailangan nila para tumubo sila nang maayos at maganda. Alam niyo ba na may iba't ibang uri ng liwanag na dapat i-consider bago bumili ng halaman? Kung hindi, ang post na ito ay para sa inyo. Simulan na po natin.  Direktang Liwanag Ang ibig po sabihin ng direktang liwanag ay yung ilaw na galing mismo sa araw. Kung pag-uusapan natin ang topic na ito base sa mga bahay, ang pinakasimpleng description po ay nasa labas o walang bubong. Sa loob naman po ng bahay, pwede ring tawaging direkta kung may pumapasok na sinag ng araw mula sa bintana. Ito po ang pinakamatinding uri ng liwanag sa lahat.  Hindi Direktang Liwanag Ang ibig sabihin naman ng hindi direktang liwanag ay yung liwanag na di talaga galing sa sinag ng araw. Kung naaalala niyo po ang science lesson niyo noon, kaya tumalbog ng li...

Umpisa ng Paghahalaman ni Chad

Hello po! Ako po si Chad. Ito po ang kwento kung paano ako nagsimulang maghalaman.  Tubong Cavite po ako. Ang pamilya ng tatay ko ay mga magsasaka noong may lupa pa kami. Palay ang tinatanim nila doon, pero natatandaan ko na mayroon ding mga gulay. Ngayong matanda na ako, naisip ko na sayang, di ako natuto kung paano magtanim ng palay noon. Hindi rin kasi sa pagsasaka nagsimula ang hilig ko sa paghahalaman eh.  Kay Nanay Auring ko natutunan talaga maghalaman. Ate siya ng tatay ko. Marami siyang halaman sa bakuran namin. Naaalala ko noon, mayroon kaming mga kalamansi, San Francisco, rosas, at mga orchids. Madami pa, actually, pero ang pinaka hindi ko malilimutan ay yung baging ng paminta namin at yung puno ng bulak. Bandang 1980s pa po itong panahon na ito.  Bilang bata, siempre, nagsimula akong magkainteres sa mga halaman dahil sa mga bulaklak. Isang araw, habang tinutulungan ko si Nanay Auring magdilig, naisip ko na gusto ko din magtanim ng sarili kong halaman. Nagpaalam...