Skip to main content

Umpisa ng Paghahalaman ni Chad

Kalanchoe Delagoensis


Happy Monday po sa inyong lahat! Para sa araw na ito, ang featured plant naman natin ay Kalanchoe delgoensis. Bilib ako sa halamang ito dahil isa siya sa mga pinakamatibay na halamang alam ko. Tulad po ng dati, magbabahagi na naman ako ng kaalaman tungkol sa halamang ito.

Scientific Name at Common Name

Ang scientific name ng halamang ito ay Kalanchoe delagoensis. Kakaiba ang pinanggalingan ng pangalan nito dahil hindi Latin o Greek ang pinaghanuan ng kalanchoe. Nanggaling ito sa Cantonese na gaa laam coi, at ang ibig sabihin daw ay temple plant. Yung delagoensis, hindi ko sure kung saan galing kasi wala akong mahanap na source. Hehe!

Kadalasan, tinatawag ang halamang ito na mother of millions dahil nag-aanak ito ng napakaraming maliliit na halaman. Tinatawag din itong chandelier plant. 

Pinanggalingan

Base sa research ko, galing daw ito sa Madagascar.  

Pagtubo

Tumutubo ito nang patayo mula sa isang main na tangkay. Hindi siya normally nagsasanga. Medyo maninipis ang mga dahon nito na pahaba. 

Pag-aalaga

Ilaw

Pinakamainam para sa halamang ito ang direktang liwanag ng araw buong araw. Samantala, mabubuhay din naman siya sa indirect light. Lalaki nga lang ang patlang bawat set ng dahon. 

Humidity

Hindi naman nangangailangan ng halumigmig ang halaman na ito dahil mula siya sa mainit at tuyong lugar.  

Pagdidilig

Bilang succulent, hindi siya matakaw sa tubig. Diligan lang siya kung nakita niyong tuyo na ang lupa. Ako, para masigurado kong makasisipsip siya ng tubig, dinidiligan ko siya hanggang tumulo yung tubig mula sa butas sa ilalim ng taniman niya.  

Substrate

Sa experience ko, hindi naman siya mapili sa kung anong klaseng lupa ang pinagtataniman niya. Yung sa akin, sa regular na garden soil lang siya nakatanim. Ideally, sa buhaghag at mabuhanging lupa siya dapat nakatanim dahil ganito ang uri ng lupa kung saan sila matatagpuan naturally. 

Temperature

Masuwerte tayo dito sa Pilipinas kasi mainit dito at OK lang sa K. delagoensis ang temperatura dito sa atin. 

Pag-aabono

Hindi rin kailangan ng abono ng halaman na ito, pero OK lang din kung bibigyan niyo siya ng pataba. Based sa research ko, balanced fertilizer daw ang mainam gamitin, halimbawa 8-8-8 or 10-10-10. 

Note to self: Kailangan ko pala magsulat tungkol sa mga fertilizer.  

Pagpaparami

Sobrang dali paramihin ng Kalanchoe delagoensis. Pagdating ng tamang panahon, magkakaroon ng maliliit na halaman sa gilid ng dahon nito. Madami sila kaya nga mother of millions ang tawag sa kanila. Kunin niyo lang yung mga plantlets na yun. 

Sa karanasan ko, pwede din kayo pumutol ng tangkay at itusok sa lupa. Mabilis din itong magkakaugat. 

Babala

Base sa mga nabasa ko, may lason din ang halamang ito. May bufadienolide cardiac glycosides ito na pwedeng makalason sa mga alaga tulad ng aso't pusa. Kadalasan, sakit sa tiyan ang inaabot ng mga nakakakain nito, pero kung mapaparami ang nakain, maaari itong makamatay. Sa nabasa ko, nakamamatay ito ng mga baka at iba pang hayop na kumakain ng halaman. Malamang, parehas lang ang epekto nito sa mga tao, pero baka mas malala ang epekto sa bata. Turuan natin silang huwag meryendahin ang mga halaman, please. 

Dahil sa bilis dumami ng halamang ito, kino-consider din itong invasive species. Huwag po nating hayaang makaalpas ang halamang ito dahil baka makaapekto din ito sa ating ecosystem. 

Sana po ay may natutunan na naman kayo mula sa mga notes ko. Ano pong masasabi niyo tungkol sa K. delagoensis? Nakapagtanim na po ba kayo nito? Mag-iwan po kayo ng inyong opinyon sa comments section. 

Hanggang sa muli!

Comments

Popular Posts

Mga Uri ng Liwanag

Lahat ng halaman, nangangailangan ng liwanag. Kailangan kasi nila ng liwanag para sa photosynthesis, ang proseso kung paano sila gumagawa ng kanilang pagkain. Hindi nga lang pare-pareho ang pangangailangan nila para tumubo sila nang maayos at maganda. Alam niyo ba na may iba't ibang uri ng liwanag na dapat i-consider bago bumili ng halaman? Kung hindi, ang post na ito ay para sa inyo. Simulan na po natin.  Direktang Liwanag Ang ibig po sabihin ng direktang liwanag ay yung ilaw na galing mismo sa araw. Kung pag-uusapan natin ang topic na ito base sa mga bahay, ang pinakasimpleng description po ay nasa labas o walang bubong. Sa loob naman po ng bahay, pwede ring tawaging direkta kung may pumapasok na sinag ng araw mula sa bintana. Ito po ang pinakamatinding uri ng liwanag sa lahat.  Hindi Direktang Liwanag Ang ibig sabihin naman ng hindi direktang liwanag ay yung liwanag na di talaga galing sa sinag ng araw. Kung naaalala niyo po ang science lesson niyo noon, kaya tumalbog ng li...

Philodendron Hederaceum 'Lemon Lime'

  Magandang araw po sa inyong lahat! Ito ang aking Philodendron hederaceum 'Lemon Lime.' Isa ito sa pinaka-favorite kong halaman dahil sa matingkad na mga dahon nito. Dito po sa post na ito, magbabahagi po ako ng mga importanteng impormasyon para sa pag-aalaga ng halamang ito.  Scientific Name at Common Name Ang scientific name ng halamang ito ay Philodendron hederaceum  'Lemon Lime.' Galing sa mga salitang Greek ang pangalan nito. Yung philo , ang ibig sabihin ay lover, at yung dendron naman ay tree . Sa madaling sabi, lover of trees kasi mahilig sila kumapit sa mga puno. Yung hederaceum naman ay galing sa salitang Latin na nagkakahulugang ivy-like. Hula ko lang ito, pero baka dahil gumagapang tulad ng mga ivy. Yung 'Lemon Lime,' iyon naman ang cultivar name. Marami kasing iba pang klase ng P. hederaceum . Bagay na bagay yung cultivar name dahil kahawig nga naman ng kulay ng lemon at lime ang mga dahon.  Kadalasan, tinatawag ang halamang ito na Philodendron Lem...