Magandang araw po sa inyong lahat! Ito ang aking Philodendron hederaceum 'Lemon Lime.' Isa ito sa pinaka-favorite kong halaman dahil sa matingkad na mga dahon nito. Dito po sa post na ito, magbabahagi po ako ng mga importanteng impormasyon para sa pag-aalaga ng halamang ito. Scientific Name at Common Name Ang scientific name ng halamang ito ay Philodendron hederaceum 'Lemon Lime.' Galing sa mga salitang Greek ang pangalan nito. Yung philo , ang ibig sabihin ay lover, at yung dendron naman ay tree . Sa madaling sabi, lover of trees kasi mahilig sila kumapit sa mga puno. Yung hederaceum naman ay galing sa salitang Latin na nagkakahulugang ivy-like. Hula ko lang ito, pero baka dahil gumagapang tulad ng mga ivy. Yung 'Lemon Lime,' iyon naman ang cultivar name. Marami kasing iba pang klase ng P. hederaceum . Bagay na bagay yung cultivar name dahil kahawig nga naman ng kulay ng lemon at lime ang mga dahon. Kadalasan, tinatawag ang halamang ito na Philodendron Lem...
Kalaman sa Paghahalaman para sa mga Pinoy