Skip to main content

Umpisa ng Paghahalaman ni Chad

Tatlong Tips Bago Bumili ng Halaman

Katulad ko ba kayo na di mapigilan bumili ng halaman? Nabubuhay niyo ba yung mga halamang binili ninyo? Kung hindi niyo nabubuhay ang halaman, sa palagay ko, para sa inyo ang post na ito. Minsan kasi, nadadala tayo ng ganda ng halaman kaya nakakalimot tayo sa mga importanteng bagay na dapat isaalang-alang. 

Tip #1. Liwanag sa Bahay

Bago ang lahat, liwanag talaga ang pinakaimportanteng bagay para sa mga halaman dahil ito ang ginagamit nila para sa photosynthesis. Kailangan nating siguraduhing may enough na liwanag para sa mga halaman natin bago tayo bumili kaya rinerecommend ko na pag-aralan niyo muna ang bahay ninyo. Di pwedeng basta bili nang bili dahil dapat iakma din natin ang mga halaman natin sa liwanag na meron sa bahay unless willing kayo mag-renovate ng bahay para sa mga halaman. Sa madaliing sabi, may paglalagyan ka ba ng halaman sa bahay na akma sa pangangailang nito?

Halimbawa po, kung ang gusto niyo ay snake plant, uubra naman ang bahay na hindi masyado maliwanag, pero hindi pwede yung mga succulents kahit ipilit ng nagbebenta na pwede sila indoors. Kung alam niyo na may parte ng bahay na maaraw talaga, pwedeng-pwede bumili ng mga succulents dahil magkakaroon sila ng sapat na liwanag para manatiling maganda ang tubo. Kapag kinulang (o sumobra) ang liwanag, may chance po kasi na pumangit o mamatay ang mga nabili natin. 

Tip #2. Research

Kapag alam na ninyo kung anong klaseng liwanag meron sa bahay ninyo, dapat niyo din alamin kung ang halaman na gusto niyo ay magsu-survive sa bahay ninyo. Dati, mahirap ito gawin kasi wala pang internet. Ngayon, mas madali na ito gawin lalo na kung may data naman kayo sa phone niyo. 

Ako, ang ginagawa ko bago bumili, tinatanong ko muna sa nagtitinda kung anong pangalan ng halaman. I-Google niyo lang at tingnan kung tama yung sinabi ng nagtitinda para malaman niyo kung match ba ang halaman na gusto niyo sa bahay niyo. 

Kung hindi alam ng nagtitinda, may Google Lens namang pwede gamitin. Halos lahat siguro ng Android phones meron nang Google Lens na nakalagay mismo sa camera app kaya mas mapapadali ang pagche-check. Tingnan niyo lang mabuti kung parehas nga yung lalabas sa search kasi minsan sablay yang Google Lens na yan. 

Pag nacheck niyo na yung halaman at akma naman siya sa bahay niyo, pwede niyo na siya bilhin. 

Tip #3. Inspection

Wag pala kayo basta-basta dadampot lang ng halaman, ha. Kung may pagpipilian, mamili kayo. Check niyo kung malusog talaga ang halaman. Kadalasan, tinitingnan kong mabuti yung mga dahon para sure ako na walang mga insekto tulad ng dapulak at aphids. Mahirap na. Baka bukod sa halaman, may maiuwi din kayong mga peste. 

Kung kaya, check niyo rin kung totoong may ugat nga, lalo na pagdating sa mga stem plants. Hindi ko naman nilalahat pero nangyari na rin sa akin na namatay yung binili kong halaman dahil wala palang ugat! Na-highblood ako nung narealize ko yun. 

Sana po ay naging informative ang post na ito para sa inyo. I hope po na dahil sa post na ito, hindi na kayo mamamatayan ng mga bagong biling halaman. Kung may iba pa po kayong tips, ilagay niyo lang sa comment section sa ibaba. 

Comments

Popular Posts

Mga Uri ng Liwanag

Lahat ng halaman, nangangailangan ng liwanag. Kailangan kasi nila ng liwanag para sa photosynthesis, ang proseso kung paano sila gumagawa ng kanilang pagkain. Hindi nga lang pare-pareho ang pangangailangan nila para tumubo sila nang maayos at maganda. Alam niyo ba na may iba't ibang uri ng liwanag na dapat i-consider bago bumili ng halaman? Kung hindi, ang post na ito ay para sa inyo. Simulan na po natin.  Direktang Liwanag Ang ibig po sabihin ng direktang liwanag ay yung ilaw na galing mismo sa araw. Kung pag-uusapan natin ang topic na ito base sa mga bahay, ang pinakasimpleng description po ay nasa labas o walang bubong. Sa loob naman po ng bahay, pwede ring tawaging direkta kung may pumapasok na sinag ng araw mula sa bintana. Ito po ang pinakamatinding uri ng liwanag sa lahat.  Hindi Direktang Liwanag Ang ibig sabihin naman ng hindi direktang liwanag ay yung liwanag na di talaga galing sa sinag ng araw. Kung naaalala niyo po ang science lesson niyo noon, kaya tumalbog ng li...

Kalanchoe Delagoensis

Happy Monday po sa inyong lahat! Para sa araw na ito, ang featured plant naman natin ay Kalanchoe delgoensis . Bilib ako sa halamang ito dahil isa siya sa mga pinakamatibay na halamang alam ko. Tulad po ng dati, magbabahagi na naman ako ng kaalaman tungkol sa halamang ito. Scientific Name at Common Name Ang scientific name ng halamang ito ay  Kalanchoe delagoensis.  Kakaiba ang pinanggalingan ng pangalan nito dahil hindi Latin o Greek ang pinaghanuan ng kalanchoe. Nanggaling ito sa Cantonese na gaa laam coi, at ang ibig sabihin daw ay temple plant . Yung delagoensis , hindi ko sure kung saan galing kasi wala akong mahanap na source. Hehe! Kadalasan, tinatawag ang halamang ito na mother of millions dahil nag-aanak ito ng napakaraming maliliit na halaman. Tinatawag din itong chandelier plant.  Pinanggalingan Base sa research ko, galing daw ito sa Madagascar.   Pagtubo Tumutubo ito nang patayo mula sa isang main na tangkay. Hindi siya normally nagsasang...

Philodendron Hederaceum 'Lemon Lime'

  Magandang araw po sa inyong lahat! Ito ang aking Philodendron hederaceum 'Lemon Lime.' Isa ito sa pinaka-favorite kong halaman dahil sa matingkad na mga dahon nito. Dito po sa post na ito, magbabahagi po ako ng mga importanteng impormasyon para sa pag-aalaga ng halamang ito.  Scientific Name at Common Name Ang scientific name ng halamang ito ay Philodendron hederaceum  'Lemon Lime.' Galing sa mga salitang Greek ang pangalan nito. Yung philo , ang ibig sabihin ay lover, at yung dendron naman ay tree . Sa madaling sabi, lover of trees kasi mahilig sila kumapit sa mga puno. Yung hederaceum naman ay galing sa salitang Latin na nagkakahulugang ivy-like. Hula ko lang ito, pero baka dahil gumagapang tulad ng mga ivy. Yung 'Lemon Lime,' iyon naman ang cultivar name. Marami kasing iba pang klase ng P. hederaceum . Bagay na bagay yung cultivar name dahil kahawig nga naman ng kulay ng lemon at lime ang mga dahon.  Kadalasan, tinatawag ang halamang ito na Philodendron Lem...